top of page

Freelancing Jobs Para Sa Mga Newbie.

  • Larawan ng writer: Jessyca Sansano
    Jessyca Sansano
  • May 23, 2018
  • 2 (na) min nang nabasa

Updated: May 24, 2018



Sa katulad natin single mom, need natin magkaroon ng income kahit pa sabihing andyan ang pamilya natin para suportahan tayo. Since may mga kids tayo na need ng attention natin, minsan hindi natin magawa magapply ng regular na trabaho. Kaya ako ngtry ako ng ibang opurtunidad katulad ng Online Freelancing Job. Hindi lang sa mga tulad namin single mom maari din subukan ito ng mga out of school youth o di kaya yung mga mommies na nasa bahay lang na gustong magkaroon din ng extra income.


Madaming platforms na nagkalat sa online pero dapat mapanuri din tayo kung ano ba talaga ang sakto sa skills na meron tayo. At dahil naghahanap tayo para kumita kaya naman ang networking is a big NO NO NO para sa atin. Hindi ako against sa networking pero kung need pa natin maginvest para lang makapagwork, hindi na yun work nagmumukha na syang business. Kaya naman maghanap tayo ng work na magbibigay sa atin ng income na stable. Magagawa natin lahat to kung samahan natin ng sipag, tyaga dedikasyon at syempre panalangin sa Diyos na tulungan tayo.


Para sa mga newbie na tulad ko pwede tayo magumpisa sa mga freelancing jobs na to:


1. Humanatic - Ito ang nangunguna sa listahan ko. Bilang mga newbie need lang natin ng verified paypal para makapagapply dito. Ang gagawin mo lang dito ay magrereview ng mga calls. Kahit na per cent lang ang bayad dito kada review maari ka pa din magka income ng regular. https://www.humanatic.com/


2. Transcription Jobs - Madaming mga transcription jobs na mahahanap online. Kailangan mo lang dito ng matalas na pandinig, mabilis na magtype at syempre dapat me alam ka din sa English grammar. Ano ba ginagawa bilang isang transcriptionist? Makikinig ka ng isang audio recording at itatype mo kung ano napakinggan mo. Bawat transcription company ay may kanya kanyang instruction, kaya dapat pag aralan mo ng mabuti. Ilan sa mga transcription company ay ang mga sumusunod:


  • Go Transcript - https://gotranscript.com/transcription-jobs

  • Scribbie - https://scribie.com/jobs

  • TranscribeMe - https://transcribeme.com/transcription-jobs

  • Rev - https://www.rev.com/freelancers/transcription


Madami pa mga transcription company online, ilan lamang to sa pwede mo applyan.


3. Micro Tasking - May mga platforms na nag-aalok ng micro tasking kung tawagin. Kung baguhan ka pa lang sa online jobs maari mong subukan ang mga platforms na to. Mga simple task lang ang kailangan mo gawin, magandang umpisa para makakuha ka ng experience. Heto ang mga ilang platforms na maari mong subukan:


  • ScaleApi - https://www.remotasks.com/

  • Hivework - https://hivemicro.com/login

  • Crowd Flower or FigureEight - https://make.figure-eight.com/sessions/new?redirect_url=https%3A%2F%2Fcrowdflower.com%2Fjobs

  • Spare5 - https://app.spare5.com/fives/sign_in


4. Tutoring - Kung mahusay ka naman sa wikang English, maari mo din subukan ang tutoring jobs. Maraming mga kumpanya ngayon ang naghahanap ng Homebase Online English Tutor. Sabihin pa in demand talaga ngayon ang trabahong ito. Heto ang ilang mga company na maari kang magapply;

  • Native Camps - https://home-based-tutor-philippines.ph/

  • 51talk - http://www.51talk.com/ph/landing.php

  • bibo - https://bibo.com.ph/

  • Weblio - https://weblioph.com/


Marami pang mga online jobs na pwede mong applyan. Huwag lang tayo matakot na subukan. Patuloy na matuto at ikapit ang mga bagay na ating natutuhan, sa gayon mkapag ipon tayo ng mga kasanayan na magagamit natin ng pang matagalan.



Commenti


© 2023 by Name of Site. Proudly created with Wix.com

  • Facebook Social Icon
  • Twitter Social Icon
bottom of page